Paano kung nagkaroon ka ng isang kaibigan na palaging nandyan sa tabi mo,kaibigan na palagi ka pinagtatakpan sa mga taong gustong bigyan ka ng problema, ung isang klase ng kaibigan na nakakasama mo palagi sa mga trip mo at pati sa mga kalokohan mo at isang klase ng kaibigan na palagi feeling mo safe ang ano mang sikreto na maaari mong sabihin matutuwa ka ba? cyempre namn sinong tanga na tao ang hindi matutuwa sa ganun klaseng kaibigan isang kaibigan na ika nga nila`y "PERFECT FRIEND" a friend that you can call BFF.
Paano naman kung nagkaroon ka ng isang kaibigan na akala mo palaging nandyan sa tabi mo,kaibigan na akala mo palagi ka pinagtatakpan sa mga taong gustong bigyan ka ng problema, ung isang klase ng kaibigan na nakakasama mo palagi sa mga trip mo at pati sa mga kalokohan mo pero ginagawa lang pala yun para hanapan ka ng butas at isang klase ng kaibigan na akala mo safe ang ano mang sikreto na maaari mong sabihin matutuwa ka ba?
Isang kaibigan na pinagkatiwalaan at inasahan namin lahat ibinigay ang lahat ng pagtitiwala na maaaring maibigay sa isang kaibigan ganyan kami nagtiwala sa isang kaibigan kaibigan na sya palang loloko at magtataksil sa amin lahat kaibigan na sya palang maglalagay sa min sa kapahamakan yan ang kaibigan na amin kinasama at inakalang kasama namin sya sa lahat ng pasakit at pagtitis sa taong na sya namn na tunay na kumuha ng kaligayahan samin ng higit sa isa o dalawang tao namin sa pinakamasayang yugto ng aming buhay pinagtaksilan kami ng kaibigan na akala namin kaisa sa pinaglalaban namin na adhikain ay sya palang bumubulong sa tenga ng tao na nagpapasakit sa amin ng lahat lahat ng aming mga hakbang at sikretong itinatago nagawa nya kaming pagtaksilan dahil lamang sa kasilawan sa pananatili sa position at kaunting popularidad na matatamo nya sa loob lamang ng isang taon, pinagpalit nya ang pagkakaibigan na panghabang buhay na aming hinahandog para lamang sa popularidad at kapangyarihan sa loob ng isang taon di ko man lang naisip at maging ang aking mga kasamahan ang ginawa nya sa amin pilit nya kaming hinanapan ng butas upang lamang ay may maibulong sa tenga ng guro na iyon ang iba namn ay nang di mahanapan ng butas ay ginawan ng butas ang solidong pagtitiwala ng guro na iyon nagmistulan syang isang hudas sa amin lahat pero subalit nararapat ko ba syang ihalintulad sa isang hudas na tumaksil sa ating panginoon o higit pa sa pagtatapos ng aking artikulong ito ay magiiwan ako ng isang mensahe "PINAGKATIWALAAN KA NAMIN" salita na unang lumabas sa amin mga bibig at salitang tumatak sa amin puso`t damdamin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento